FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
No Result
View All Result

R.A. 6713: Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees

Fact-Check PH by Fact-Check PH
February 11, 2026
in Facts by Law
Reading Time: 2 mins read
A A
0
R.A. 6713: Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
Share on FacebookShare on Twitter

Ang Republic Act No. 6713 ay batas na nagtatakda ng etikal na pamantayan para sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Layunin nitong tiyakin ang integridad at pananagutan upang maisulong ang malinis na pamamahala.

Itinatag ang batas upang itaas ang pamantayang etikal at unahin ang kapakanan ng publiko. Itinakda nito ang norms of conduct tulad ng propesyonalismo, pagiging makatarungan, politikal na neutralidad, at pagiging responsibo.

Bahagi rin ng batas ang pagbibigay ng insentibo at gantimpala sa mga modelong lingkod-bayan. Tinutukoy din nito ang mga ipinagbabawal na kilos gaya ng conflict of interest, misuse of confidential information, at pagtanggap ng regalong may kapalit.

Ang Civil Service Commission ang pangunahing ahensyang nagpapatupad at nangangasiwa sa batas. Tinutulungan ito ng Ombudsman lalo na sa mga kaso ng paglabag sa etikal na pamantayan.

Lahat ng public officials at employees ay obligadong sumunod sa mga pamantayan at tungkulin na itinakda ng R.A. 6713. Saklaw nito ang asal at paraan ng kanilang paglilingkod.

Inaasahan na uunahin ng mga opisyal at empleyado ang kapakanan ng publiko kaysa sariling interes. Dapat gamitin nang maayos ang pondo at kapangyarihan.

Dapat maglingkod nang may husay, dedikasyon, at propesyonalismo. Kailangang tratuhin ang lahat nang patas at walang diskriminasyon batay sa politika o personal na ugnayan.

Inaatasan din silang magbigay ng maagap at magalang na serbisyo at impormasyon. Saklaw nito ang patas na serbisyo sa lahat anuman ang partidong kinabibilangan o politikal na pagkakakilanlan.

Suportado ng batas ang soberanya at prinsipyo ng demokrasya. Dapat unahin ang bansa at konstitusyon bago personal o partidaryong interes.

Hinihikayat ang simpleng pamumuhay na angkop sa kinikita at posisyon. Ipinagbabawal ang pagtanggap o paghingi ng regalo o benepisyo na maaaring makaapekto sa paglilingkod.

Inaasahang magdudulot ang batas ng mas mataas na integridad at pananagutan sa gobyerno. Nilalayon nitong gawing mas epektibo at responsableng ang serbisyo publiko.

Nakikita rin itong paraan upang mabawasan ang korapsyon at pag-abuso sa kapangyarihan. May malinaw na ipinagbabawal at parusang probisyon para sa mga lalabag.

Author

  • Fact-Check PH
    Fact-Check PH

    Fact-Check PH is an independent fact-checking initiative founded by Assortedge.

Tags: facts-by-law
Previous Post

FACT CHECK:  Cong. Terry Ridon does not want to oust Supreme Court officials in-charge of voiding VP Sara Duterte’s impeachment complaint

Next Post

Can the blockchain system end budget controversies in the Philippines?

Related Posts

Ano ang Bank Secrecy Law?
Facts by Law

Ano ang Bank Secrecy Law?

Layunin nitong hikayatin ang publiko na gamitin ang banking system sa pamamagitan ng pagbibigay ng katiyakan na ang kanilang...

by Fact-Check PH
May 14, 2026
THE ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001
Facts by Law

THE ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001

The Anti-Money Laundering Act of 2001 or Republic Act No. 9160 is a Philippine law intended to prevent individuals...

by Fact-Check PH
May 9, 2026
What is Data Privacy Act of 2012?
Facts by Law

What is Data Privacy Act of 2012?

The Data Privacy Act of 2012, or Republic Act No. 10173, is the Philippines’ main law protecting personal information...

by Fact-Check PH
May 7, 2026
What is the Anti Money Laundering Council and why is it still relevant today?
Facts by Law

What is the Anti Money Laundering Council and why is it still relevant today?

The Anti Money Laundering Council (AMLC), serves as the central financial intelligence unit of the Philippines. It is tasked...

by Fact-Check PH
May 27, 2026
Next Post
Can the blockchain system end budget controversies in the Philippines?

Can the blockchain system end budget controversies in the Philippines?

Fact-Check PH

Independent fact-checking initiative committed to truth, context, and accountability.

Explore

  • About Us
  • Fact-Check
  • Contact
  • Privacy Policy

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • Email Us

© 2026 Fact-Check PH All rights reserved.

  • Terms of Service
  • Privacy
  • Sitemap
No Result
View All Result
  • Homepage
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Fast Facts
  • Facts by Law

© 2026 Fact-Check PH. All Rights Reserved.