FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
No Result
View All Result

Ano ang Bank Secrecy Law?

Fact-Check PH by Fact-Check PH
May 14, 2026
in Facts by Law
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Ano ang Bank Secrecy Law?
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigpit na pinangangalagaan ng batas ang pribadong impormasyon ng mga depositor sa ilalim ng Republic Act No. 1405, o mas kilala bilang Bank Secrecy Law. 

Layunin nitong hikayatin ang publiko na gamitin ang banking system sa pamamagitan ng pagbibigay ng katiyakan na ang kanilang pera at impormasyon ay mananatiling ligtas at kumpidensyal.

Ayon sa batas, ang lahat ng deposito sa bangko, kasama ang mga pamumuhunan sa government bonds, ay itinuturing na ganap na confidential kung saan hindi maaaring basta-basta suriin, usisain, o silipin ng sinumang tao, maging ito man ay opisyal ng gobyerno o pribadong indibidwal. 

Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng bangko ang pagbubunyag ng anumang impormasyon hinggil sa mga deposito nang walang pahintulot mula sa depositor.

Gayumpaman, hindi absolute protection ang ibinibigay ng batas. May ilang sitwasyon kung saan pinapayagan ang pagsusuri ng bank deposits. Una, kung may nakasulat na pahintulot ang depositor — kailangang ito ay kusang-loob at may sapat na kaalaman sa magiging epekto ng pagbibigay ng pahintulot.

Ikalawa, maaari ring masuri ang mga deposito sa mga kaso ng impeachment laban sa matataas na opisyal ng gobyerno, kabilang ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga mahistrado ng Korte Suprema, miyembro ng Constitutional Commissions, at Ombudsman. Saklaw nito ang mga seryosong paratang gaya ng paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil sa bayan, panunuhol, at korapsyon.

Ikatlo, pinapayagan din ang pagsusuri kung may utos mula sa isang karampatang hukuman, lalo na sa mga kasong may kinalaman sa panunuhol o kapabayaan sa tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan. 

Ikaapat, maaari ring buksan ang bank deposits kung ang mismong perang nadeposito ang paksa ng isang kaso sa hukuman. Sa ganitong sitwasyon, ang pera ay nagsisilbing ebidensya at mahalagang bahagi ng paglilitis.

May kaakibat ding parusa ang paglabag sa Bank Secrecy Law. Ang sinumang mapatunayang lumabag dito ay maaaring makulong ng hanggang limang taon, pagmultahin ng hanggang P20,000, o kapwa ipataw ang dalawang parusa. Subalit ito pa rin ay itinuturing na bailable offense, kaya maaaring makapagpiyansa ang akusado habang dinidinig ang kaso.

Kamakailan, naghain ng reklamo si Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang mambabatas. Kaugnay ito ng umano’y pagbubunyag ng kanilang bank transactions sa isang impeachment hearing sa Kamara.

Ayon sa reklamo, labag umano sa Bank Secrecy Law ang naturang disclosure dahil sa likas na pagiging kumpidensyal ng mga bank deposits. Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng usapin hinggil sa balanse sa pagitan ng karapatan sa privacy at ng pangangailangan para sa transparency at pananagutan sa pamahalaan.

Author

  • Fact-Check PH
    Fact-Check PH

    Fact-Check PH is an independent fact-checking initiative founded by Assortedge.

Tags: facts-by-law
Previous Post

THE ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001

Next Post

FACT CHECK: Phoenix Wright is a fictional video game character, not Duterte’s new ICC defense counsel

Related Posts

THE ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001
Facts by Law

THE ANTI-MONEY LAUNDERING ACT OF 2001

The Anti-Money Laundering Act of 2001 or Republic Act No. 9160 is a Philippine law intended to prevent individuals...

by Fact-Check PH
May 9, 2026
What is Data Privacy Act of 2012?
Facts by Law

What is Data Privacy Act of 2012?

The Data Privacy Act of 2012, or Republic Act No. 10173, is the Philippines’ main law protecting personal information...

by Fact-Check PH
May 7, 2026
Can Bank Secrecy Law protect confidential funds too?
Facts by Law

Can Bank Secrecy Law protect confidential funds too?

Republic Act No. 1405, or the Bank Secrecy Law, was not created simply to keep personal finances private. It...

by Fact-Check PH
April 27, 2026
Hanggang saan ang proteksyon ng mga bata online?
Facts by Law

Hanggang saan ang proteksyon ng mga bata online?

Noong 2022, isinabatas ang Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Act....

by Fact-Check PH
April 24, 2026
Next Post
FACT CHECK: Phoenix Wright is a fictional video game character, not Duterte’s new ICC defense counsel

FACT CHECK: Phoenix Wright is a fictional video game character, not Duterte's new ICC defense counsel

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fact-Check PH

Independent fact-checking initiative committed to truth, context, and accountability.

Explore

  • About Us
  • Fact-Check
  • Contact
  • Privacy Policy

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • Email Us

© 2026 Fact-Check PH All rights reserved.

  • Terms of Service
  • Privacy
  • Sitemap
No Result
View All Result
  • Homepage
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Fast Facts
  • Facts by Law

© 2026 Fact-Check PH. All Rights Reserved.