FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
No Result
View All Result

China, itinituturing na pinaka-malaking banta sa seguridad ng mga Pilipino – OCTA

Fact-Check PH by Fact-Check PH
February 11, 2026
in The Fact Pattern
Reading Time: 2 mins read
A A
0
China, itinituturing na pinaka-malaking banta sa seguridad ng mga Pilipino – OCTA
Share on FacebookShare on Twitter

74% ng mga Pilipino ang naniniwalang pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa ang China, ayon sa resulta ng pinakabagong sarbey na isinagawa ng OCTA Research. 

Ang naturang pag-aaral na isinagawa noong Disyembre 3-11, 2025 ay nagpapahiwatig na mayroong pinakamataas na pangamba ang mga Pilipino sa China kung ikukumpara sa iba pang mga bansa. Samantala, 4% lamang ng mga kalahok ang nagsabing malaki ang banta ng Russia and North Korea sa seguridad ng bansa. 

Ito ay pinagtibay pa ng malaking pagbaba ng tiwala ng publiko sa China, kung saan 60 porsyento ng mga Pilipino ang  nagpapahayag ng tahasang kawalan ng tiwala sa naturang bansa. Ayon sa datos ng OCTA, mabilis na lumala ang sentimyentong ito, na makikita sa 25% na pagbagsak ng trust ratings simula noong Hulyo 2025. Ang lumalalang pag-aalinlangang ito ay mas matindi sa National Capital Region (NCR) at Balanced Luzon, kung saan ang kawalan ng tiwala ay umabot sa 62% at 63%. Hudyat ito na ang mga nasa sentro ng pulitika at ekonomiya ng bansa ang may pinakamataas na antas ng pag-iingat laban sa kalapit na kapangyarihan.

Ipinapakita ng datos na sosyo-ekonomiko na ang “panganib” ay mas matinding nararamdaman ng mga pinakamahirap na sektor ng bansa. Ang mga respondent mula sa Class E, o ang mga nasa pinakamababang antas ng kita ang nakapagtala ng pinakamataas na antas ng kawalan ng tiwala na nasa 70%. Ipinapahiwatig nito na ang mga alalahanin tungkol sa soberanya ng bansa at posibleng sigalot ay hindi lamang usaping geopolitikal ng mga nasa itaas, kundi nag-uugat sa pangamba ng masang Pilipino. 

“Alin naman sa mga sumusunod na mga bansa ang sa inyong palagay ang may pinaka-matinding banta laban sa Pilipinas?,” tanong ng OCTA sa mga kalahok. Ang resulta ay nagpapakita na habang 10% ng populasyon ang naniniwalang walang bansang nagbabanta, ang malaking bahagi ng mamamayan ay nakapagtukoy na ng isang partikular na pinagmumulan ng panlabas na tensyon. Ang mga tradisyunal na alyado at iba pang pandaigdigang kapangyarihan, tulad ng United States (2%) at Japan (1%) ay halos hindi itinuring na banta o panganib ng mga Pilipino. Sa margin og error na 3\%, ang mga natuklasan ng OCTA, maipapahiwatig na malaki ang alalahanin ng mga Pilipino para sa diplomatikong sitwasyon ng bansa. Tanging 135 lamang mula sa 1,200 na mga kalahok ang may tiwala sa China, habang may 25% na “undecided” o nag-aalangan pa.

Author

  • Fact-Check PH
    Fact-Check PH

    Fact-Check PH is an independent fact-checking initiative founded by Assortedge.

Tags: the-fact-pattern
Previous Post

Top National Concerns Vary Across Philippine Regions

Next Post

FACT CHECK: No credible poll shows President Marcos endorsed as first Prime Minister in the Philippines

Related Posts

How the Epstein Files revelations could affect the Philippines
The Fact Pattern

How the Epstein Files revelations could affect the Philippines

Recent revelations from the Jeffrey Epstein case have highlighted a Philippine connection in digital outsourcing, raising concerns about the...

by Fact-Check PH
February 25, 2026
Lumolobong utang ng pambansang pamahalaan sa iba’t ibang administrasyon
The Fact Pattern

Lumolobong utang ng pambansang pamahalaan sa iba’t ibang administrasyon

Patuloy na lumaki ang utang ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas sa paglipas ng mga administrasyon, ayon sa datos mula...

by Fact-Check PH
February 13, 2026
Next Post
FACT CHECK: No credible poll shows President Marcos endorsed as first Prime Minister in the Philippines

FACT CHECK: No credible poll shows President Marcos endorsed as first Prime Minister in the Philippines

Fact-Check PH

Independent fact-checking initiative committed to truth, context, and accountability.

Explore

  • About Us
  • Fact-Check
  • Contact
  • Privacy Policy

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • Email Us

© 2026 Fact-Check PH All rights reserved.

  • Terms of Service
  • Privacy
  • Sitemap
No Result
View All Result
  • Homepage
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Fast Facts
  • Facts by Law

© 2026 Fact-Check PH. All Rights Reserved.