74% ng mga Pilipino ang naniniwalang pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa ang China, ayon sa resulta ng pinakabagong sarbey na isinagawa ng OCTA Research.
Ang naturang pag-aaral na isinagawa noong Disyembre 3-11, 2025 ay nagpapahiwatig na mayroong pinakamataas na pangamba ang mga Pilipino sa China kung ikukumpara sa iba pang mga bansa. Samantala, 4% lamang ng mga kalahok ang nagsabing malaki ang banta ng Russia and North Korea sa seguridad ng bansa.
Ito ay pinagtibay pa ng malaking pagbaba ng tiwala ng publiko sa China, kung saan 60 porsyento ng mga Pilipino ang nagpapahayag ng tahasang kawalan ng tiwala sa naturang bansa. Ayon sa datos ng OCTA, mabilis na lumala ang sentimyentong ito, na makikita sa 25% na pagbagsak ng trust ratings simula noong Hulyo 2025. Ang lumalalang pag-aalinlangang ito ay mas matindi sa National Capital Region (NCR) at Balanced Luzon, kung saan ang kawalan ng tiwala ay umabot sa 62% at 63%. Hudyat ito na ang mga nasa sentro ng pulitika at ekonomiya ng bansa ang may pinakamataas na antas ng pag-iingat laban sa kalapit na kapangyarihan.
Ipinapakita ng datos na sosyo-ekonomiko na ang “panganib” ay mas matinding nararamdaman ng mga pinakamahirap na sektor ng bansa. Ang mga respondent mula sa Class E, o ang mga nasa pinakamababang antas ng kita ang nakapagtala ng pinakamataas na antas ng kawalan ng tiwala na nasa 70%. Ipinapahiwatig nito na ang mga alalahanin tungkol sa soberanya ng bansa at posibleng sigalot ay hindi lamang usaping geopolitikal ng mga nasa itaas, kundi nag-uugat sa pangamba ng masang Pilipino.
“Alin naman sa mga sumusunod na mga bansa ang sa inyong palagay ang may pinaka-matinding banta laban sa Pilipinas?,” tanong ng OCTA sa mga kalahok. Ang resulta ay nagpapakita na habang 10% ng populasyon ang naniniwalang walang bansang nagbabanta, ang malaking bahagi ng mamamayan ay nakapagtukoy na ng isang partikular na pinagmumulan ng panlabas na tensyon. Ang mga tradisyunal na alyado at iba pang pandaigdigang kapangyarihan, tulad ng United States (2%) at Japan (1%) ay halos hindi itinuring na banta o panganib ng mga Pilipino. Sa margin og error na 3\%, ang mga natuklasan ng OCTA, maipapahiwatig na malaki ang alalahanin ng mga Pilipino para sa diplomatikong sitwasyon ng bansa. Tanging 135 lamang mula sa 1,200 na mga kalahok ang may tiwala sa China, habang may 25% na “undecided” o nag-aalangan pa.

