Isang video ang kumalat kung saan mapapanood ang pagtatalo ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Vice President Sara Duterte tungkol sa kasalukuyang magaganap na impeachment trial.
Ani ni de Lima sa video, “Gagawin ko ang lahat, para makulong ka tulad ng ama mo.”
Sagot naman ng bise sa video, “Marami akong paraan para malusutan ito, wag kayong atat na atat.”
Sa ngayon, may 83.3k na ang nakapanood nito, 987 reactions, at 82 shares na ang video galing sa may-ari nito. Kahit pa ito’y burahin, marami na ang nakakita at nagbahagi ng video sa social media.
Ang content na ito ay fabricated ng AI dahil sa hindi normal na pagsasalita ng dalawa, hindi normal na galaw ng katawan, at hindi saktong facial features. At na-flag na AI generated content ayon sa fact checker ng Rappler IQ.
Ito rin ay isang fake na content dahil hindi ito ang eksaktong sinabi at ginawa ni de Lima at ng bise sa video na ito. Dahil walang batayan o tunay na video na nagpapakitang nagkasagutan nga sila.
Gayunpaman, nagbigay ng ilang pahayag si de Lima bilang house prosecutor sa trial noong Hulyo 11 matapos ang unang linggo ng impeachment trial sa harap ng midya sinasabing “mas matibay na ebidensya at testimonya” ang ibibigay ng witness ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ang facebook page naman na ginamit ay hindi lehitimong pagkukuhanan ng mga video tungkol sa impeachment trial. Nararapat mapanood ang aktwal na trial sa mga mainstream channel sa internet.




