FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
  • Home
  • Fast Facts
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Facts by Law
No Result
View All Result
FACT-CHECK PH
No Result
View All Result

“Madam President?” Nag-viral na tawag kay Legarda, walang palitan sa liderato ng senado

Fact-Check PH by Fact-Check PH
February 14, 2026
in Fast Facts
Reading Time: 2 mins read
A A
0
“Madam President?” Nag-viral na tawag kay Legarda, walang palitan sa liderato ng senado
Share on FacebookShare on Twitter

Umingay ang usapin sa Senado nitong Miyerkules, Pebrero 4, 2026, matapos pansamantalang maupo bilang presiding officer si Senadora Loren Legarda at paulit-ulit na tawaging “Madam President” ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Nangyari ito matapos ang mahabang suspensyon ng sesyon. Sa pagbabalik ng plenaryo, si Legarda ang nagpreside sa bahagi ng pagdinig, isang karaniwang tungkulin na maaaring gampanan ng sinumang senior senator kapag wala o pansamantalang hindi nakaupo ang Senate President. 

Sa gitna ng daloy ng sesyon, pabirong tinawag ni Zubiri si Legarda na “Madam President,” bagay na agad napansin, na-video, at naging sentro ng usapan sa social media.

Biro, hindi opisyal na titulo

Ayon sa mga senador, ang pagtawag kay Legarda bilang “Madam President” ay situational at pabiro lamang, at hindi nangangahulugang siya na ang bagong pinuno ng Senado. 

ilinaw mismo ni Legarda na tinawag siya sa ganoong paraan dahil siya ang nagpreside sa sandaling iyon ng sesyon, at wala itong kaugnayan sa anumang pormal na pagpapalit ng liderato.

Sa kabila ng ingay online, nananatili sa puwesto si Senate President Tito Sotto. Wala umanong inihain na pormal na mosyon sa plenaryo upang ideklarang bakante ang posisyon o magsagawa ng eleksyon para sa bagong Senate President.

Usap-usapang “kudeta”

Lalong uminit ang usapan dahil sa mga ulat na may minority bloc na umano’y nagtatangkang tipunin ang sapat na bilang ng boto upang mapalitan si Sotto.

Gayunman, ayon sa mga balita at pahayag mula sa kampo ng majority bloc, hindi umabot sa kinakailangang bilang ang naturang grupo at walang nangyaring botohan.

Sinabi ni Sotto na nanatiling buo ang suporta ng mayorya sa kanya, kaya hindi umusad ang anumang pormal na hakbang para sa reorganisasyon ng liderato. 

Ideya ng “term-sharing”

Sa kabila nito, may mga pahayag mula sa ilang miyembro ng majority bloc na binanggit ang konsepto ng “term-sharing,” kung saan mananatili muna si Sotto bilang Senate President at posibleng ipasa ang puwesto kay Legarda bago matapos ang 20th Congress sa 2028. Nabanggit ito nina Sotto, Sen. JV Ejercito, at Zubiri bilang posibilidad sa hinaharap, ngunit malinaw na wala pang pormal na kasunduan o desisyon hinggil dito.

Ipinapakita nito na bagama’t may mga pag-uusap sa loob ng Senado tungkol sa hinaharap ng liderato, nananatili pa rin itong impormal at hindi bahagi ng opisyal na aksyon ng plenaryo.

Author

  • Fact-Check PH
    Fact-Check PH

    Fact-Check PH is an independent fact-checking initiative founded by Assortedge.

Tags: fast-factsGovernmentPolitics
Previous Post

FACT CHECK: Sen. Risa Hontiveros has not announced 2028 presidential bid

Next Post

FACT CHECK: US warships did not deploy in Subic Bay as shown in viral video

Related Posts

Ano ang ibig sabihin kapag idineklarang ‘hostile’ ang isang testigo?
Fast Facts

Ano ang ibig sabihin kapag idineklarang ‘hostile’ ang isang testigo?

Hindi lahat ng testigong tinatawag ng isang panig ay nauuwi sa testimonya na inaasahan nito. May mga pagkakataong ang...

by Francine Tosoc
August 28, 2026
When health care comes with a loan
Fast Facts

When health care comes with a loan

For millions of Filipinos, universal health care isn’t just about having a hospital nearby or a doctor on duty....

by Bea Allyson Alimangohan
August 14, 2026
Why did wearing a political cap at Eala’s match become controversial?
Fast Facts

Why did wearing a political cap at Eala’s match become controversial?

Atty. Arnedo Valera, an immigration lawyer based in Fairfax, Virginia, was the man seen wearing a “Sara ’28” cap...

by Francine Tosoc
August 10, 2026
Child vloggers under 15 now need a Working Child Permit
Fast Facts

Child vloggers under 15 now need a Working Child Permit

Filipino children are increasingly appearing in family vlogs, livestreams, brand promotions, and other monetized social media content. While many...

by Francine Tosoc
August 9, 2026
Next Post
FACT CHECK: US warships did not deploy in Subic Bay as shown in viral video

FACT CHECK: US warships did not deploy in Subic Bay as shown in viral video

Fact-Check PH

Independent fact-checking initiative committed to truth, context, and accountability.

Explore

  • About Us
  • Fact-Check
  • Contact
  • Privacy Policy

Connect

  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • Email Us

© 2026 Fact-Check PH All rights reserved.

  • Terms of Service
  • Privacy
  • Sitemap
No Result
View All Result
  • Homepage
  • Fact-Check
  • The Fact Pattern
  • Fast Facts
  • Facts by Law

© 2026 Fact-Check PH. All Rights Reserved.